Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Wednesday, December 11, 2024 · 768,158,108 Articles · 3+ Million Readers

Dela Rosa: Privilege speech Huwag mahiyang magtanong

PHILIPPINES, December 11 - Press Release
December 11, 2024

Senator Ronald "Bato" Dela Rosa
PRIVILEGE SPEECH
HUWAG MAHIYANG MAGTANONG

11 December 2024

"Huwag mahihiyang magtanong!" Yan po ang sabi ng ina ng ating butihing Senador Grace Poe sa isang commercial para sa brand ng gamot. Kaya naman, Ginoong Pangulo, tumatayo po ako ngayong araw na ito para magtanong ukol sa personal and collective privilege.

Noong nakaraang Biyernes po kasi, nagkaroon ng pirmahan ng isang kasunduan ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), Development Bank of the Philippines (DBP), at Tingog Partylist (Tingog). Panoorin po natin ang naging news report sa ating state-sponsored news channel, PTV Philippines: [video plays]

Maalagang Republika: Rural Financing Health Development Program

Iyan daw po ang tawag nila sa proyekto na kanilang gustong iimplementa sa bisa ng kanilang naging kasunduan. Mas maraming health facilities sa rural areas, realization ng Universal Health Care Act, at reduction ng mortality at morbidity rates sa pamamagitan ng pagtatayo ng primary health care facilities ang kanilang layunin.

According to Tingog, the MOA they signed which outlines their program is intended to address the gaps in healthcare infrastructure in rural areas. They further claimed that "It facilitates the construction, expansion, and upgrading of hospitals and clinics, as well as the acquisition of much-needed medical equipment."

Ayon sa kumakalat na unsigned copy of the MOA, the obligations of Tingog Partylist are the following:

1. Shall assist and coordinate with LGUs in ensuring their participation to the program.

2. Shall provide complementary programs and training to ensure the fiscal viability of the operations of the hospital.

3. Shall provide the necessary support in financing health expenses of the patients through its medical assistance program.

Ang tanong ko po ngayon, alin po ba sa ating mga ahensya ng gobyerno ang in-charge sa healthcare infrastructure? Anong ahensya po ang nakakapagbigay ng technical assistance patungkol sa mga usaping pangkalusugan? Anong ahensya po ba ng gobyerno ang nangangasiwa ng ating local government units? Ang PhilHealth ba? Ang DBP ba? O ang Tingog Partylist?

Sa taun-taon nating binabalangkas ang national budget, ang Department of Health (DOH) lamang ang nakikitaan ko ng programa patungkol sa mga health infrastructure.

Under the 2025 National Expenditure Program of the Department of Health, the DOH has a program called Health Facilities Enhancement Program or HFEP. Funds for HFEP shall be used for the construction, upgrading, or expansion of government health care facilities, among others, with priorities in the Universal Health Care sites and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas, including the upgrading of facilities for COVID-19 response and equipping, and construction of ongoing projects. In the implementation of infrastructure projects under the HFEP, the DOH may enter into a MOA with the appropriate government agency or local government unit that has the capability to implement the project.

In addition, the DOH has the mandate to provide technical assistance, consultation, and advisory services to stakeholders regarding health facilities regulation. More to the point, it is the DOH which issues the so-called Certificate of Need whenever a government or private entity desires to establish a new hospital.

Kaya naman, nakapagtataka para sa akin, bakit kaya hindi naisama ang DOH sa isang programa na sa ating pagtingin ay bahagi o nauugnay sa mandato nito? Modesty aside po, isa po akong doktor. Ngunit Doctor of Philosophy po o PhD, at hindi doctor of medicine o MD. Hindi po ako isang health expert. Pero mukhang hindi naman po ata kailangan ng isang doctorate degree o kahit college degree para masabi na mas angkop na mga health expert, o ang DOH ang mamahala o kaya naman ay kasama sa mga programang may kaugnayan sa kalusugan?

Bakit kaya mas pinili ng DBP at Philhealth na makasama sa kanilang MOA ang isang Partylist kaysa sa Department of Health? Gusto ko rin pong malinawan.

Sa isang banda, nakakapagtaka rin po kung bakit hindi rin mas pinili ng DBP at PhilHealth ang Department of Interior and Local Government na siyang may mandato "to exercise general supervision over local government units?"

Mas may kapasidad ba ang Tingog Partylist kaysa sa DOH at DILG para mag "assist and coordinate with LGUs in ensuring their participation to the program intended to rehabilitate, expand, or construct LGU hospitals" o kaya naman ay makapag-provide ng "complementary programs and trainings to ensure the fiscal viability of the operations of the hospital"?

Sa huli, Ginoong Pangulo, ang tanong ng lahat sa kasunduan na pinirmahan ng PhilHealth, DBP, at Tingog Partylist: Legal ba ito? Ethical ba ito? Hinaluan at hahaluan ba ng politika ang mga programang pangkalusugan? Masasabi ba natin na ito'y purong etikal at legal, at walang halong adyendang pulitikal? Mayroon po bang nalalabag na batas kagaya ng mga paratang ng ibang mga nakapansin sa timing ng programang ito?

Hindi po tayo kailanman tutol sa pagpapalaganap ng mga proyektong makapagpapabuti ng sitwasyon ng kalusugan ng ating mga kababayan. Pero sana naman ay naaayon sa batas ang pagpapatupad nito. Kung hindi natin pupunahin ang mga ganitong gawain na may akusasyon ng iregularidad, para saan pa ang pagiging mga mambabatas natin?

Noong nakaraang deliberasyon lamang po natin ng 2025 Budget, nabigyang pansin na naman po ang kahalagahan ng pamumuhunan sa kalusugan ng ating mga mamamayan. May mga kasamahan din tayo na nagtanong na kung epektibo ang ating mga batas na may kaugnayan sa kalusugan, bakit marami pa rin ang pumipila sa Senado para humingi ng medical assistance?

Nakakalungkot po na tila inaasa sa pulitika ang kalusugan ng ating mga mamamayan. Samantalang ito ay isang batayang karapatan na hindi na dapat ipinanglilimos kanino man.

Kung magsasagawa po ng pagdinig ang ating Senate Committee on Health and Demography patungkol sa MOA ng PhilHealth, DBP, at Tingog Partylist, asahan po ninyo, HINDING-HINDI PO AKO MAHIHIYANG MAGTANONG.

Maraming salamat po, Ginoong Pangulo!

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release